Binatikos ng ilang netizens si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong pumunta sa concert ni Eric Clapton sa US.
Ibinahagi ng vlogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang si ‘Thinking Pinoy’ ang nasabing aktibidad ni PBBM matapos ang kanyang pakikipagkita sa Filipino Community at pakikipagpulong sa iba’t ibang personalidad sa gitna ng kanyang pagbisita sa Amerika.
Ayon kay Nieto ay humabol na lamang si PBBM sa concert ni Clapton na mayroon na lamang 30 minuto bago matapos.
“He arrived at noon, checked in sa kanyang hotel, went straight to the Filipino Community meeting in Jersey, had a couple of meetings afterwards, then headed here to catch the last thirty minutes of the Eric Clapton concert, then went straight back to hotel.” ani Nieto.
Ilang netizens kasama na ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot ang hindi napigilan na punahin ang nasabing post ni Nieto.
“There’s nothing wrong with the President “relaxing,” but it is bad optics to flaunt it while the nation is still awaiting concrete results & while his house seems to be not in order. Remember what happened to the Finnish PM?” ani Sasot.
Matatandaan na inulan ng batikos sa social media ang Prime Minister ng Finland kung saan ay nakita ito na nagpa-party.
There’s nothing wrong with the President “relaxing,” but it is bad optics to flaunt it while the nation is still awaiting concrete results & while his house seems to be not in order. Remember what happened to the Finnish PM?
“Kung narinig mo na ang isang Grab driver na ginagawang issue na ang parties, hindi ka pa ba kakabahan at mag-iingat? Na-iingit ba yung Grab driver na nasakyan ko kanina?” sabi pa niya.
Sa isa pang paliwanag ay sinabi ni Sasot na dapat ay maging maingat ang mga pinuno ng estado pagdating sa kung ano ang ibabahagi nila sa publiko.
“There’s already an impression of PBBM even before he became president about partying…Why should we add more to that?” sabi pa niya.