Miyerkules, Setyembre 14, 2022

Di Tugma? Totoong Resulta ng DNA test mula sa NBI sa kalansay ni Jovelyn Galleno, dumating na

0

Dumating na sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Puerto Princesa, Palawan ang resulta ng ikalawang DNA test na ginawa sa kalansay na diumano’y pinaghihinalaan na si Jovelyn Galleno.

Kinumpirma ni Cedric Caabay, NBI Palawan Special Investigator III na hawak na nila ang resulta ng DNA na maaring magtuldok na kaso ni Jovelyn.

Dumating narin ang pamilya Galleno sa opisina ng NBI upang sila ang unang makaalam sa kung ano ang katotohanan.

Matatandaan na positive ang naging resulta ng DNA test na isinagawa ng PNP noon at sinabi nila na ang kalansay na nakita sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa ay si Jovelyn.

Ngunit madaming netizens ang hindi naniwala dito dahil sa halos tatlong linggo pa lamang na nawawala si Jovelyn at hindi diumano posible na maging kalansay agad ito.

Kahit ang mismong suspek na nagturo sa kinaroroonan ng kalansay na si Leobert Dasmariñas ay binawi ang kanyang mga pahayag at sinabi na pinilit lamang siya ng mga otoridad na sabihin ang nasabing lokasyon.

Sa ngayon ay inaasahan na lalabas ngayong araw ang resulta ng DNA upang malaman kung talaga bang nagsasabi ng totoo si Dasmariñas.

Ngayong araw din isasagawa ang lie-detector test na hiniling ni Sen. Raffy Tulfo na pagdaanan ni Dasmariñas.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento