Hindi maitago ni dating senador at natalong vice presidential candidate na si Francis “Kiko” Pangilinan ang kanyang pagkagulat sa naging pahayag ni Department of Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban.
Matatandaan na sa isang pahayag ay sinisi ni Panganiban ang mga magsasaka sa nangyayaring oversupply ng mga gulay sa merkado.
Paliwanag kasi ng opisyal ay tanim na lamang ng tanim ang mga magsasaka kahit na hindi sila sigurado kung in-demand ba ang kanilang itinatanim sa merkado kapag ito ay naani na.
“It has been happening for the last four or five years. Ang una wala tayong value chain na activity na nangyayari after harvest eh. Ang mga magsasaka natin kapag umani ng gulay, pinagbibili lang nila sa kanilang local market. Walang mamimili sa kanila pagdating sa Manila or dalhin sa Pangasinan o dalhin sa Quezon City o kahit saan dito sa Kalakhang Maynila,” sabi ng opisyal.
Maiksi lamang ang naging pahayag ni Pangilinan sa sinabi ni Panganiban.
“Huh? Ano daw?” sabi ng dating senador.
Matatandaan na isa sana sa mga balak ni Pangilinan noon kung sakali na siya ang manalo bilang bise presidente ay hawakan ang Department of Agriculture para tulungan ang mga magsasaka.
Ngunit hindi ito natupad matapos siyang matalo sa kanyang pinakamahigpit na katunggali na si Vice President Sara Duterte.
Huh? https://t.co/BSCwfgLy9s pic.twitter.com/PLrRDGzMzn
— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) September 8, 2022