Huwebes, Setyembre 22, 2022

Nasapak sa Mukha? Janno Gibbs may sagot sa netizen na di nagustuhan ang patama niya kay VP Sara “Pera ng taumbayan yon!”

0

Nakipagbardagulan ang singer na si Janno Gibbs sa isang netizen matapos siya nitong batikusin dahil sa kanyang patama sa confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
\

Sa kanyang post nitong nakaraang linggo ay isa si Janno sa mga nakibiro tungkol sa confidential fund na natanggap ni VP Duterte sa kongreso na umabot ng daan daang milyong piso.

“Pag nag-withdraw ako ng 100k sa bangko at tinanong ako ni misis “Para saan yan?” at sinagot ko ng ‘confidential’ basag ang mukha ko!” ani Janno.

Ang confidential fund ay hindi kailangang dumaan sa audit dahil sa may kinalaman ito sa mga sensitibong bagay katulad ng intelligence gathering at security.

Habang tinawanan ng mga kaibigan ni Janno ang kanyang post katulad nina Quezon City Councilor Aiko Melendez at Maui Taylor ay hindi naman nagustuhan ng ilang tagasuporta ni Duterte ang naging patama ng singer.

Isa ang netizen na si @topgunz.nyc.basketball sa mga binatikos si Janno kung saan ay inakusahan niya ang singer ng nagpapapansin kaya’t binabatikos nito si Duterte.

Bilang tugon naman ni Janno ay minura nito ang netizen.

“Hoy pu**ang***mo! Unang una wag kang bastos! Pangalawa, pera ng taumbayan yu. May karapatan tayo malaman saan mapupunta g*g*!” banat ni Janno.

Tinanong rin ng netizen si Janno kung bakit hindi niya binatikos noon sila dating Pangulong Noynoy Aquino at dating DILG Sec. Mar Roxas sa nangyari sa Yolanda Funds.

Sagot naman ni Janno ay wala pa kasi siyang  Instagram noon kaya hindi niya nabatikos si Aquino at Roxas.

Isa sa mga celebrity na nagbigay ng reaksyon sa pakikipag-bardagulan ni Janno ay ang kilalang mamamahayag na si Arnold Clavio.

Matatandaan na umabot sa P650-M ang confidential fund na natanggap ni Duterte at sinabi niya na kailangan ito para masolusyunan ang mga kasalukuyang problema ngayon ng gobyerno.


Kasama na dito ang mga guro na gumagawa ng masama sa kanilang mga estudyante at mga grupo na hinihimok ang mga mag-aaral na sumali sa mga underground groups.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento