Linggo, Setyembre 25, 2022

PANOORIN: Limang rescuer sa Bulacan, nag buwis ng kanilang buhay habang ginagawa ang kanilang tungkulin sa San Miguel, Bulacan

0

Limang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang natagpuang wala ng buhay sa San Miguel, Bulacan sa gitna ng pananalasa doon ng Bagyong Karding.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando ay sakay ng bangka ang limang rescuer ng biglang rumagasa ang baha at mabagsakan ng pader.

Galing lamang sa iisang team ang nasabing mga rescuer na ngayon ay inuulan ng pagpupugay sa mga netizens dahil sa kanilang kabayanihan.

Hindi pa nakikilala ang mga bayaning rescuer.

Isa ang San Miguel, Bulacan sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding na nanalasa sa bansa.

“Taas kamaong pagpupugay sa Mdrrmo San Miguel at Provincial Bulacan Rescuers! Salamat po sa serbisyo,” sabi ni netizen Inah Paguia.

‘Our deepest sympathy and condolences to their families Rescuers defy the odds to help save lives. Let us pray for the repose of their souls. Your families will move on with pride of your heroic acts. — PRC Boracay Malay Chapter.” wika ni Del Nano.

“Kaya dapat sa mga tao kapag sinabing lumikas wag matigas ang ulo..kasi d lang kayo ang malalagay sa peligro pati mga taong rerescue. Yung iba kasi sa sobrang tigas ng ulo ayaw umalis tapos kapag buwis buhay na saka hihingi tulong na iligtas sila,” komento ni Oroalab Balbina.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento