Umulan ng papuri ang limang bayaning miyembro San Miguel MDRRMO na nagsakripisyo ng kanilang buhay habang ginagawa ang kanilang tungkulin nitong Septyembre 25 sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Nakilala ang limang rescuer na sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.
Ayon kay Bulacan Vice Governor Alex Castro ay sakay ng kanilang bangka ang limang rescuer ng biglang rumagasa ang flash flood.
Dinala ang limang rescuer ng baha sa isang pader na kalaunan ay bumagsak na naging resulta sa kanilang pagkasawi.
“Ako po at ang buong Vice Governor’s Office ay nakikiramay sa mga naulilang pamilya at mga kasamahan sa trabaho ng mga nasawing rescuers. Sila po ay tunay na bayani ng ating lalawigan at marapat lamang silang kilalanin ng ating Sangguniang Panlalawigan.” ani Castro sa kanyang post.
Hindi naman maitago ng kanilang mga kaibigan ang pagdadalamhati ngunit hindi rin nila maiwasan na humanga sa kabayanihan na ginawa ng limang rescuer.
“Sabi ko sayo last week, magseset tayo ulit, magkikita pa tayo ulit, kasi di ko kaya naharap ng maayos ni Con nung napnta kayo sa bahay. By, mgkasama na kayo ni Jamir. Tutulungan namin ni Jam pamilya mo kosa hanggat sa makakaya namin. Maraming salamat sa pagppasaya samin, no dull moments pg kasama ka ng tropa. Saludo sayo kosa!!! Ppntahan ka namin asap.” sabi ng isa sa mga kaibigan ng biktima.
“Paalam sa mga bayani ng bulacan,” sabi pa ng isang netizen.
Inaasahan naman na bibigyan ng pagpupugay ang limang rescuer dahil sa kanilang kabayanihan.