Naging usapan muli si Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) executive Mike Toledo dahil sa isa ito sa mga pinagpipilian bilang maging susunod na press secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isa sa mga pinag-usapan sa social media ay ang pagtawag ni Toledo na ‘Madam President’ kay Robredo sa isang panayam ng One News noong nakaraang Enero.
“Thank you Madam President, rather, Madam Vice President,” ani Toledo.
Makikita naman na napangiti lamang si Robredo sa pagkakamali ni Toledo.
Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni Robredo kay Toledo na host ng nasabing forum na ‘good governance’ ang isa sa mga susi upang mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa.
Noong unang mag-viral ang nasabing video ay ilang Kakampink ang ikinatuwa ang pagkadulas ng abogado.
“EH NADULAS UNG MODERATOR NATAWAG SIYANG MADAM PRESIDENT. TAMA YAN. HAHAHA,” sabi ni @lakwatsarah.
Ngunit ang nasabing video din ang ginagamit ngayon ng ilang kritiko ni Toledo upang pigilan si Marcos na gawing press secretary ang abogado.
“We are happy with Press Secretary Trixie Cruz-Angeles’ work. And No, we do not want Mike Toledo in your cabinet, not someone who called Leni Robredo “Madam President” in national tv during the campaign.
Please be careful with people around you. We trust your wisdom.” sabi ng isang grupo na kontra sa posibleng appointment kay Toledo.
Madam President ✨ https://t.co/ILn20oo7ao pic.twitter.com/DRi0IVh9Nl
— Sarah G. 🌸✨️ (@lakwatsarah) January 21, 2022