Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate Committee nitong Miyerkukes, na pigilan ang pag rerenew ng business permit sa nga kunpanyang hindi nagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ayon pa kay kay Sen Raffy Tulfo ay marami raw siyang natatanggap na reklamo tungkol sa mga mang gagawang hindi nakakatanggap ng kanilang 13th month pay.Dapat daw itong aksyunan agad ng DOLE (Department of Labor and Employment).
“Magpa-Pasko na po. This is the time of the year kung saan inaasam ng ating mga manggagawa na makatanggap po sana sila ng 13th month pay. Ang nangyayari po kasi kadalasan ay hindi naibibigay ito sa kanila dahil ginugulang at dinudugaan sila ng kanilang mga employer,” sabi ni Tulfo sa joint hearing ng Senate Committee on Labor and Employment and Human Resources Development.
Hinimok din ni Senator Idol Raffy Tulfo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA ) kasama ang mga Local Government Units (LGUs) at ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) upang maobliga ang mga employers na magbigay ng 13th month pay sa tamang oras.
Dapat daw ay may maipakita munang ebidensya ang mga kumpanyang mag rerenew ng kanilang business permit sa BPLO, na naglabas sila ng 13th month pay sa tamang araw, para sa kanilang mga empleyado, bago iproseso ang release.
Sa ilalim ng batas, dapat matanggap ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay sa araw na hindi lalampas sa Disyembre 24 ng bawat taon.
Sinabi ni Labor Assistant Secretary Leonard Constantine-Serano na maglalabas sila ng mga advisories sa mga kumpaya, ngunit sinabi ni sen Tulfo na hindi sapat ang mga advisory, dahil binabalewala lang ito ng mga kumpanya, hanggang hindi sila nasasampolan.
“Hangga’t hindi po sila nasasaktan, balewala po ‘yang advisory na ‘yan dahil kahit na may batas na tungkol sa 13th month pay ay sinusuway pa din ito ng mga employer. Kailangan po makatikim sila ng consequence para sila po ay umaksyon,” dagdag ni Tulfo.
Iminungkahi ni Sen. Raffy Tulfo na dapat maglabas ng opisyal na pahayag ang DOLE (Department of Labor and Employment) sa media na nagbababala sa mga employers. sa posibleng hindi pag-renew ng kanilang business permit kung hindi sila susunod sa utos ng departamento.