Martes, Setyembre 20, 2022

Nagkasagutan? Sen. Tolentino uminit ang ulo at hindi nagustuhan ang sinabi ni Hontiveros “I take offense!”

0

Hindi ikinatuwa ni Sen. Francis Tolentino ang naging tugon sa kanya ni Sen. Risa Hontiveros habang sila ay nagdidiskusyon tungkol sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.

Ayon kasi kay Hontiveros ay maaring gawing depensa ng mga akusado ang ‘good faith’ sa pagtanggi nila sa mga akusasyon laban sa kanila.

Naniniwala kasi ang minorya na pinamumunuan ni Hontiveros na ang mga akusado ay ginawa lamang ang Sugar Order No. 4 ‘in good faith’.

Ngunit ayon kay Tolentino ay hindi maaring gamitin ng mga akusado na depensa ang ‘good faith’.

“‘Wag naman po sana natin na good faith can be negated. Minsan po kapag po ‘yung mga posibleng inosente ay inaakusahan ng mga krimen na posibleng hindi naman nila ginawa, minsan po, Mr. President, good faith na lang ‘yung huling depensa nila at ‘wag naman po sana nating ipagkait ‘yon sa kanila,” ani Hontiveros.

Sinabi din ni Tolentino na wala pa siyang nababasa na ganitong termino sa kanyang pag-aaral bilang abogado.

“In my entire law study, there are badges of fraud, badges of bad faith but not badges of good faith,” ani Tolentino.

Dito na sinabi ni Hontiveros na mayroong mga kaso sa Korte Suprema kung saan ay ginamit ang salitang “badges of good faith”.

Ayon kay Hontiveros ay maaring hindi alam ni Tolentino ito dahil sa mga bago pa lamang itong kaso.

“Of course, Mr. President, these cases are quite new so we should not fault the chair if he does not know of these new cases,” sabi ng senadora.

Dito na nag-umpisang tumaas ang tensyon sa senado.

“I take offense, Mr. President, to that attribution…My lack of knowledge should not be implicated here. I have a law exam on Tuesday so I am still a law student right now. Perhaps your staff are not the law students here,” banat ni Tolentino.

Sinubukan naman linawin ni Hontiveros na hindi niya sinasabi na walang alam si Tolentino.

Dahil dito ay sinuspinde muna ni Senate President Miguel Zubiri ang sesyon upang maawat ang dalawa.

Humingi naman ng paumanhin si Hontiveros kay Tolentino sa pagpapatuloy ng sesyon.

“I’m sorry that I caused offense to the good chair. I just wish to assure, Mr. President and the colleagues, no offense meant. I was simply saying that we should not fault anyone if [they are] not yet aware of these new facts. I just want to reassure that there is a legal basis for usage [of the phrase],” aniya.

Matatandaan na inirekomenda ng Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Tolentino ang pagsasampa ng kaso laban kila Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA administrator Hermenegildo Serafica, at dating Board members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento