Ipinagdiwang ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferinand Topacio ang pagsuko ng aktor na si Vhong Navarro nitong Septyembre 19 sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa kanyang tweet, makikita si Topacio na nasa ibang bansa ngayon habang ipinagdiriwang ang panibago nilang pagkapanalo sa kaso.
“Chilling in Zurich and drinking to Vhong Navarro’s warrant. Congratulations to Ms. Deniece Cornejo. Galing ng lawyer mo.” ani Topacio.
Sa isang opisyal na pahayag naman ay sinabi ni Topacio na naghintay sila ng walong taon para makuha ang kanilang inaasam na pagbibigay-tuwid sa nangyari sa kanyang kliyente.
Naniniwala naman si Topacio na mahaba pa ang kanilang tatahakin lalo na’t sikat at makapangyarihan sila Navarro.
Binanatan din nito ang ABS-CBN dahil sa pinapalabas diumano ng network na inosente ang kanilang talent.
“The accused is wealthy and well-connected, and evidently still has the support of his network ABS-CBN in a desperate attempt to make sub judice statements and play the victim card in his favor.” sabi ni Topacio.
Samantala ay sinabi naman ni Navarro na kasama niya ang “Diyos” sa labang ito at iginiit niya na siya ay inosente.
Kasalukuyang nasa NBI ngayon si Navarro dahil sa kinakaharap niyang warrant na walang piyansa.
Chilling in Zurich and drinking to Vhong Navarro's warrant. Congratulations to Ms. Deniece Cornejo. Galing ng lawyer mo. Lakas pa daw ng sex appeal... pic.twitter.com/HmZJeV1xZP
— YesYesYo! (@YesYesYo13) September 19, 2022