Hindi maitago ng negosyante na si Cedric Lee ang pagkagalak sa paglabas ng mga warrant laban sa aktor na si Vhong Navarro.
Nitong Septyembre 19 ay sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro ngunit hindi na ito nakauwi dahil sa may lumabas na isa pang warrant kung saan ay walang piyansa na inirekomenda ang korte.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lee na siya ay ‘vidicated’ na dahil matapos ang siyam na taon ay mahaharap na ni Navarro ang mga ginawa niya sa mga babae na kanya diumanong hinalay.
Tila inakusahan pa ni Lee si dating Sen. Leila de Lima na pinoprotektahan diumano noon si Navarro ngunit ngayon ay wala na siyang magawa dahil sa nakapiit din siya.
Matatandaan na isa sa mga ibinabato noong isyu kay De Lima noong siya ay Department of Justice (DOJ) secretary pa lamang ay ang diumano’y special treatment na natanggap ni Navarro sa kanya.
Isa rin ang VJ na si Kat Alano sa mga nagsulat ng open letter kay De Lima kung saan ay binatikos niya ang dating senadora dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya.
“Do not use Filipino women as protection against your own wrongdoings. When I contacted you and beseeched you as a woman and a Filipino to stand up for r*pe victims everywhere, you turned a blind eye. And now you want the women of the Philippines to stand behind you?” ani Alano.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Navarro o ni De Lima sa mga akusasyon ni Lee.