Huwebes, Setyembre 15, 2022

Kumpirmado Na! DNA examination ng NBI, sinabing positibong si Jovelyn Galleno ang buto na nakita sa lugar

0

Matapos ang ilang linggo na paghihintay ay inanunsyo na ng NBI Palawan ang naging resulta ng DNA examination na kanilang ginawa sa kalansay na nakita kasama ang mga gamit ng graduating student na si Jovelyn Galleno.

Sa press conference na ginawa ng NBI Palawan nitong Septyembre 14 ay ipinaalam nila sa publiko na ang resulta ng DNA test ay positibong si Jovelyn ang nakita nilang kalansay sa Brgy. Sta Lourdes.

Ito rin ang inanunsyo ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang programa.

Ibig sabihin nito ay hindi totoo ang mga sinasabi ng mga manghuhula at ilang nagpapakilalang witness na buhay pa si Jovelyn.

Matatandaan na ang suspek na si Leobert Dasmariñas ang nagturo kung saan diumano nila itinapon ang gamit ni Jovelyn noong kinuha nila ito noong Agosto 5.

Nakita ang mga gamit ni Jovelyn sa lugar na itinuro ni Dasmariñas at mayroon din silang nakitang kalansay.

Ngunit bigla na lamang binawi ni Dasmariñas ang kanyang mga pahayag ng lumabas na nag-match kay Jovelyn ang DNA na nakuha ng mga miyembro ng PNP sa buto.

Sa ngayon ay inaasahan na magsasampa na ng reklamo ang pamilya Galleno laban kay Dasmariñas.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento