Martes, Agosto 30, 2022

May Itinatago? Pulis na professor ni Jovelyn Galleno, tumanggi na magbigay ng panayam "Huli ka ngayon!"

0

Sa gitna ng imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkawala ni Jovelyn Galleno ay ibinahagi ng pamilya ng biktima ang diumano’y isang impormasyon na nakapukaw ng atensyon sa mga netizens.

Sa programa ni Senador Raffy Tulfo, ibinahagi ng pamilya Galleno na mayroon diumanong pulis na diumano’y pinopormahan si Jovelyn bago ito mawala noong Agosto 5.

Ang nasabing pulis ay propesor ni Jovelyn na isang criminology student.

Ayon sa kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn ay naikwento pa sa kanya ng kanyang ate ang pagporma ng pulis sa kanya.

Second year college pa lamang diumano si Jovelyn nag-umpisang pumorma ang pulis sa biktima.

Madalas din diumanong magbigay ng komento ang pulis sa mga social media post ni Jovelyn.

Ngunit ayon kay Jovelyn ay hindi naman talaga niya gusto ang nasabing pulis.

Dahil sa ibinahaging kwento ni Jonalyn ay sinubukang kausapin ng team ni Tulfo ang pulis ngunit tumanggi itong magbigay ng panayam dahil nasa seminar pa ito.

Samantala ay nitong Agosto 30 ay nakumpirma na ng mga pulis sa pamamagitan ng DNA test na kanilang ginawa na si Jovelyn ang kalansay na nakita ng mga otoridad.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang mga netizens na si Jovelyn nga ang nakita ng mga otoridad.

Sa ngayon ay tila kumbinsido na ang pamilya Galleno sa naging resulta ng DNA at pormal na silang nagsampa ng reklamo laban sa dalawang suspek na pinsan ng biktima.

Hinihintay naman ng mga netizens kung magpapaunlak ng panayam ang pulis.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento