Viral ngayon sa Facebook ang video ng babaeng nagsisigaw sa loob ng pampasaherong jeep dahil sa bagal ng pagpapatakbo at tagal ng paghihintay ng pasahero ng tsuper.
Ang video, na ibinahagi ng FB page na VISOR, ay may mahigit 164,000 views na sa ngayon. Dito ay mapapanood ang babaeng galit na galit sa tsuper ng sinasakyan niyang jeep.
“Kuya nirerecord kita ha, anong oras na! Nirerecord kita anong oras na! Kanina pa ako ang tagal-tagal tagal mo!,” saad ng babae.
“Ano ‘to may plano ka patagalin? Ilang oras na oh!” sigaw pa nito. “Wag mong isakay lahat ha, may mga plano rin ako!”
“Para saan? Sa pera? Ang kakapal ng mukha ninyo!” pagpapatuloy pa nito.
Hindi naman maririnig sa video kung sumagot ang driver. Ang iba namang pasahero, tahimik lang habang sigaw nang sigaw ang babae.
Narito ang video:
